Ang MASTER SA SINING SA ARALING FILIPINO-Wika, Kultura, Midya ay naglalayong:
a) isulong ang integratibo at transformatibong edukasyon sa bansa;
b) makapaghain ng kaukulang pagsasanay sa riserts at pagtuturo sa akademya nang may pagsasaalangalang
sa kahalagahan ng midya at mga institusyong kultural upang matupad ito;
c) gawing kompetent sa pagsulat sa midya, paglilingkod sa publikong larangan, at iba pang profesyunal na
gawain ang Lasalyanong gradwadong mag-aaral, kasabay ang malay at kritikal na pag-unawa sa
nagbabagong hugis ng lipunan at ng mundo.
(MASTER OF ARTS IN PHILIPPINE STUDIES-Filipino Language, Culture, Media)
A. Batayang Kurso
6 units
B. Eryang Pangmedyor 15 units
C. Elektib
6 units
D. Internsyip
3 units
E. Tesis
6 units
Kabuuan 36 units (Walang Komprehensibong Eksam, bagkus kailangang makumpleto ang internsyip)
*Pre-requisites (kapalit ng ENG501/502)
AFL501M/P. Editing at Pagsasalin sa Filipino
Pre-requisite na kurso ito bilang paghahanda sa kasanayan ng masinop at mahusay na pagsulat ng mga gradwadong
mag-aaral. Binibigyang diin dito ang masinsin na editing ng mga textong panturo at diskursibo sa iba’t ibang
larangan.
AFL502M/P. Mapanuring Pagsulat.
Pre-requisite nito ang AFL501M/P. Kurso ito para higit pang mapalawak at mapalalim ang kritikal, lohikal,
malikhain, at maka-lipunang pag-iisip ng estudyante tungo sa kanyang pagiging kalahok sa produksyon ng mga
mapanuring sulatin.
A. Batayang Kurso
AFL520M. Introduksyon sa Wika, Kultura, at Midya
Panimulang talakay sa isyu, teorya, kontent ng mga eryang magsisilbing pundasyon ng pag-aaral. Matutunghayan din
dito ang kahulugan, isyu at debate tungkol sa inter/multidisiplinaring lapit ng Araling Filipino.
AFL521M. Riserts sa Filipino
Gamit ang multi- at interdisiplinal na dulog, metodo, aplikasyon ng teorya, pagsulat at pananaliksik sa Filipino, ang
kursong ito ay inilalaan para malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga gradwadong mag-aaral na suriin, sipatin
at unawain ang penomenon/objetk/sabjek ng pag-aaral sa Araling Filipino.
AFL850M. Internsyip.
Kinukuha ito bilang pagtupad sa integrasyon at paglalapat ng lahat ng akademikong araling kinuha sa programa
bilang paghahanda sa tesis. Kailangang maidefensa ang panukalang tesis sa yugtong ito. Susubaybayan at gagabayan
ng isang experto at kilalang awtoridad sa paksa ang estudyanteng kukuha nito.
B. Eryang Pangmedyor
1. Wika
AFL530M. Pundasyon ng Edukasyong Pangwika.
Mga teorya at metodolohiya ng linggwistiks at aplikasyon ng mga ito sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Ang unang
bahagi ng kurso ay talakay sa pundasyon ng deskriptibong linggwistiks at susundan ng dulog teoretikal at aplayd
linggwistiks na may tiyak na kapit sa pagtuturo ng wika.
AFL603M. Kurikulum sa Filipino
Pagpaplano at pamamahala ng mga programa para sa Filipino – wika, kultura, at midya; mga simulain ng pagpaplano
ng programa at pamamahala, pagkuha ng staff at pagsasanay, ebalwasyon at rebisyon ng programa.
AFL642M. Analisis ng Diskors
Pag-aaral ito ng iba’t ibang diskurso sa larangan ng midya at panlipunang interaksyon batay sa texto at talastasang
verbal. Binibigyang pansin dito ang kritikal at formal na pagsuri sa mga diskursong umiinog dulot ng ugnayan ng
wika at ng iba’t ibang usaping pampolitika, panlipunan at pangkultura.
AFL900M. Seminar sa Wika
Mga tanging paksa sa pag-aaral ng wika na nakafokus sa mga praktikal na paglalapat ng teorya ng pag-unlad nito.
Tatalakayin ang mga kontemporanyong isyu at kalakaran sa pag-aaral at pagtuturo ng wika sa bansa.
AFL628M. Pagsasalin sa mga Disiplina
Pagtupad ito sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na magamit sa pagtakalay at pagsasalin ng mga mahahalagang
texto sa agham panlipunan, humanidades at iba pang mga disiplina.
2. Kultura
AFL600M. Mga Sining sa Bansa
Pag-aaral sa kasaysayan at kasalukuyang estado ng iba’t ibang sining sa bansa at mga lapit sa pag-aaral nito.
AFL601M. Panitikang Bayan
Kursong tumatalakay ito sa pag-usbong ng panitikang bayan, maging ang pagsipat sa konsepto ng bayan/bansa at mga
puwersang nagbibigay hugis sa panitikan sa bansa.
AFL626M. Filipino at Lipunang Pilipino
Binibigyang diin nito ang ugnayan ng wikang Filipino, mga Filipino at ang lipunang ginagalawan. Pag-aaral ito sa
istrukturang panlipunan, institusyon, grupo at komunidad na bumubuo sa pagkataong Filipino.
AFL645M. Sikolohiyang Filipino
Pagtalakay ito sa naging simulain ni Virgilio Enriquez at ng iba pang sumunod sa yapak niya tungkol sa diwang
Filipino, pagpapahalagang Filipino at mga kaisipang humuhubog sa kaisipan, kamalayan at kalooban ng mga Filipino.
AFL664M. Lokal na Kasaysayan
Tututukan ng kursong ito ang kasaysayan ng bayan, kasaysayan ng pook o kasaysayan mula sa ibaba.
AFL700M. Pilosopiyang Filipino
Ang kursong ito’y pag-aaral sa karunungang Filipino mula sa mga pag-aaral ng mga iskolar at pilosopong akademiko
sa bansa batay sa sosyo-kultural, at iba pang lapit, na pag-inog nito.
3. Midya
AFL602M. Seminar sa Kulturang Popular
Ang kurso ay nagbibigay-linaw sa definisyon, dynamismo, posibilidad at limitasyon sa panlipunang transformasyon,
at panunuri ng kulturang popular. Ito ay makakapag-ambag sa pagpapalalim ng pagtuturo, pananaliksik, panunuri sa
kulturang popular.
AFL603M. Midya at Lipunan
Ang kurso’y naglalayong siyasatin ang daynamikong ugnayang ng midya at lipunan mula sa kasaysayan ng midya sa
bansa hanggang sa pag-unlad nito dala ng iba’t ibang impluwensya, tulad ng globalisasyon at transkapitalismo.
AFL604M. Midya at Pagtuturo
Pag-aaral ito sa paggamit ng radyo, telebisyon, pelikula, print at new media sa pagtuturo sa classroom setting.
AFL605M. Midya at Diaspora
Pagsusuri ito ng mga anyong pangmidyang tumatalakay sa migrasyon, paninirahan, paghahanap-buhay ng mga
Filipino sa Amerika, Gitnang Silangan, Timog Silangang Asya at iba pang bahagi ng mundo. May empasis ito sa
paksaing tumatalakay sa kaakuhan, pagkabansa at kulturang Filipino sa ibang bansa.
AFL606M. Pagsulat sa Midya
Woksyap ito ng pagsulat sa midya sa Filipino.
C. Elektib
AFL601M. Materyal Panturo
Seminar-worksyap sa paghahanda ng mga kagamitang panturo. Ang awtput ng worksyap ay pantulong sa pagtuturo
na ihaharap sa klase sa anyong pakitang-turo bilang pagsubok ng bisa ng mga materyal.
AFL620M. Politika ng Wika
Binibigyang diin dito ang daynamikong gamit ng wika bilang kapangyarihan o instrumentong humuhubog sa kilos,
kaisipan at kamalayan ng mga tao. Titingnan din dito ang konsepto ng komunikatibong aksyon at ang posibilidad ng
publikong talastasan.
AFL625M. WF at Sekswalidad
Multidisiplinal na pag-aaral ito sa usaping pan-gender at sekswalidad sa kultura at diskursong Filipino.
AFL641M. WF at Globalisasyon
Pagsusuri ito sa ugnayan ng wikang Filipino at globalisasyon, maging ang reaksyong kultural, politikal at ekonomik
tungkol sa usapin ng nagbabagong anyo ng buhay, pananaw, pilosopiya at lipunan.
AFL671M. Malikhaing Pagsulat
Worksyap sa isa o iba pang kategorya ng katha na may mga pagsasanay sa pagrerebisa ng mga akdang ipalilimbag;
ang peer critique ay malaking bahagi ng kurso; may awtput na maaaring isang mahabang maikling kuwento, set ng
mga tula o isang dulang tatatluhing yugto.
AFL708M. Edukasyon at Pambansang Kaunlaran
Binibigyang pansin dito ang kahalagahan ng tradisyunal at bagong paradaym sa pag-aaral at pagsusuri ng edukasyon
sa bansa at kung papaano ito nakatutulong sa pambansang kaunlaran.
AFL701M. Filipinong Ispiritwalidad
Pagtalakay ito sa kasaysayan ng pananampalatayang Filipino mula sa batis ng katutubong relihiyon, Kristiyanismo,
Islam at iba pang relihiyon sa bansa. Susuriin ang malalim at mahalagang ugnayan ng relihiyon sa lipunan, kultura at
politika sa bansa.
AFL711M. Obra Maestra sa Filipino
Pagbasa sa mga obra maestra na nagbibigay-diin sa mga obra na bumago sa tunguhin sa kasaysayan ng literatura sa
Pilipinas; isang maikling sarbey sa mga kilusan at mga tema ng literatura ang tatalakayin sa pagsisimula ng kurso.
AFL730M. Kasaysayang Pampanitikan
Pagbasa / pag-aaral sa kasaysayan ng literaturang Filipino na nasusulat sa iba’t ibang bernakular at mga wikang
dayuhan, na nagbibigaydiin sa mga pangunahing awtor, tema, kilusan at panahon.
AFL735M. WF at Kontemporaryong Akda
Pagbasa at pagsuri ito ng mga kontemporaryong akdang pangmidya, kultural, at iba pang
“texto” gamit ng kritikang pampanitikan.