TALA PARA SA MGA MAGULANG
Bakit mahalaga na mayroon tayong tiwala sa abilidad ng ating
anak na
matuto ng matematika?
Ang pag-unawa ng matematika ay bumubuo ng kompyansa at
nagbubukas ng mga pinto
patungo sa mga hanap-buhay at mga karera. Ang pag-unawa ng
matematika ay nagdudulot
sa atin makaya ang:
• Paglutas sa mga suliranin at makagawa ng maayos na mga desisyon
• Magpaliwanag kung paano natin nalutas ang isang suliranin at kung bakit natin ginawa
ang isang partikular na desisyon
• Paggamit ng teknolohiya (tulad ng calculators at computer applications) bilang tulong
sa paglutas ng mga suliranin
• Pag-unawa ng mga modelo at mga nauuso upang tayo ay makagawa ng mga prediksyon
(halimbawa, nagagawa nating malaman kung gaano karaming
juice ang naiinom upang
malaman natin kung gaano karaming juice ang bibilin bawat
linggo)
• Pamahalaan ang ating oras at salapi (halimbawa, maari nating kalkulahin kung gaano
kahabang panahon ang ating kailangan upang makarating sa
ating hanap-buhay, gaano
karaming pagkain ang ating kailangan upang makagawa ng mga
handa at kung gaano
karaming salapi ang ating kailangan upang makabili ng
pagkain)
• Matugunan ang pang-araw-araw na mga sitwasyon na kinabibilangan ng mga numero (tulad
ng pag-alam kung kailan sunod na darating ang bus at
pagpaparte-parte ng isang recipe)
Bago matutunan ng iyong anak ang matematika, kailangan
niyang maniwala sa kaniyang
abilidad na makagawa noon. Diyan ka papasok. Ikaw ay maaring
maging unang modelo ng
iyong anak para sa pag-aaral. Kapag ipinapaloob mo ang iyong
anak sa isang suportado,
mahinahon na kapaligiran, ang iyong anak ay maaaliw sa
pagbabakasakali habang nalulugod
sa math!
(humanidades)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment